DAGUPAN CITY- Tniyak ng National Food Authority o NFA Western Pangasinan na nananatiling sapat ang supply ng kanilang bigas.
Ayon kay Chona Maramba, assistant provincial manager na NFA Western Pangasinan, parating na ang inangkat na bigas ng NFA at sapat ito sa panahon ng lean months.
Samantala, sinabi ni Maramba na tuloy tuloy pa rin ang pagbebenta nila ng bigas sa mga accredited retailers sa halagang P27 kada kilo.
Posibleng hanggang buwan ng Agosto ang pagbebenta nila ng bigas at pagkatapos ay tututok na ang NFA sa pamimili ng palay sa mga magsasaka.
Samantala, nilinaw ni Maramba na bukod sa mga accredited rice retailers ay nagkakaloob din sila ng rice allocation sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.
Pero kapag may kalamidad lang sila ng nagkakaloob ng alokasyon sa mga Local Governent Units.