Dagupan City – Nananatiling sapat ang suplay ng Bangus sa bansa sa kabila ng sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa.

Ayon kay Engr. Rosendo So, Chairman, Samahang Industriya ng Agrikultura, hindi gaanong naapektuhan ang mga bangus growers at tuloy-tuloy naman ang produksyon nito sa bansa.

Hinggil naman aniya sa plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng karagdagang isdang galunggong bago matapos ang taong kasalukuyan.

--Ads--

Kinakailangan muna itong pag-isipan aniya dahil maaring magdulot ito ng pangamba sa mga fish growers sa bansa upang mag-backout.

Kung mapapansin din kasi aniya, mas mataas na ang presyo ng galunggong kung ikukumpara sa presyo ng bangus.

Matatandaan na sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa ang pahayag bunsod ng epekto ng sunod sunod na bagyo na tumama sa bansa at dahil na rin sa ipinatupad na na closed fishing season.

At ito ay maliban pa sa naunang 35,000 metric tons ng galunggong na inangkat ng pamahalaan.