Dagupan City – Tiniyak ni Julius Benagua, Core Member ng SAMAPA o Samahan ng Magbabangus sa Pilipinas, na sapat ang suplay ng bangus sa bansa sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Benagua, marami sa kanilang mga kasamahan ang naghulog ng fingerlings na inaasahang aabot hanggang Disyembre ngayong taon, dahilan upang mapanatili ang suplay sa merkado.
Aniya, ang tuluy-tuloy na produksiyon ay susi upang mapanatili ang abot-kayang halaga ng isda sa pamilihan.
--Ads--
Nagpahayag rin siya ng pasasalamat at paghanga sa mga kapwa mangingisda sa kanilang pagpupunyagi at pananatili sa hanapbuhay, sa kabila ng iba’t ibang hamon, upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng bangus sa bansa.