Aminado si Engr. Rosendo So, presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na mababa ang supply ngayon ng baboy sa Luzon dahil sa African swine fever na tumama sa mga alagang baboy sa mga nakalipas na mga buwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. So, sinabi nito na mas maraming frozen meat kaysa karne ng baboy dahil kulang ang mga live weight na kinakatay para dalhin at ibenta sa merkado.

Ang dahilan aniya ng pagkaunti ng baboy ay dahil sa pagpatay sa mga napakaraming baboy kasama ang mga inahin na naapektuhan ng ASF.

--Ads--

Dahil sa kakulangan ng supply ay baka wala na ring maibiyaheng karne ng baboy patungong Manila.

Kaugnay nito, hiniling nila sa Department of Agriculture na tulongan ang Luzon area sa pamamagitan ng pagbiyahe dito ng mga mga baboy mula sa Mindanao daHIL sobra ang stocks doon at mababa ang presyo.