Nananatiling sapat ang suplay ng palay at bigas sa lalawigan ng Pangasinan sa harap ng naranasang pagbaha dulot ng bagyong Emong.

Ayon kay Frederick Dulay, branch manager ng NFA Eastern Pangasinan, nasa 4 hanggang 5,000 na sako ng bigas ang nasa mga bodega nila.

Humigit kumulang naman 4,000 na sako ng palay ang nakaimbak sa ibat ibang bodega.

--Ads--

Sinabi pani Dulay na tuloy tuloy din ang pagbili ng ahensya ng mga palay sa mga magsasaka upang madagdagan ang stock ng palay.

Sinabi ni Dulay na kung kinakailangan na maggiling ay handang ipagiling ang mga stocks ng palay nang madagdagan ang rice stock depende sa pangangailangan ng mga Local Government Units para sa relief.

Samantala, nakahanda rin na umagapay ang NFA Eastern Pangasinan kung makipag ugnayan ang probinsya ng La Union na isa mga nasalanta ng bagyo.

Samantala, nanawagan din si Dulay sa ibang mga LGU na makipag ugnayan lamang sa kanilang tanggapan kung sila ay mangangailangan ng bigas para sa relief.