Marami ang humanga sa ipinakitang lakas ng loob ng aktres na si Sunshine Cruz, 47, nang rumampa siya sa isang fashion show kamakailan.
Inamin ni Sunshine na na-diagnose siya kamakailan na may myasthenia gravis, isang uri ng autoimmune disease.
Ang pagkaka-diagnose kay Sunshine ng sakit na ito ay nangyari ilang buwan bago ang pagrampa niya sa fashion show.
Aminado ang aktres na labis itong nakaapekto sa paghahanda niya para sa event, ngunit sa tulong daw ng kanyang fitness coach ay kanya itong nalampasan at napagtagumpayan.
Ang myasthenia gravis ay autoimmune condition na nagiging sanhi ng panghihina at mabilis na pagkapagod ng mga kalamnan.
Lumalabas sa mga pag-aaral na wala itong lunas ngunit may mga gamot na tumutulong upang ma-manage ang mga sintomas nito.
Karaniwan itong nararanasan ng mga kababaihang nasa edad 40 pataas at mga kalalakihang higit 60 ang edad.