DAGUPAN CITY- Sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Sitio Boracay, Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City, dakong 6:45 ng gabi, kahapon, March 10, 2026.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jhun Eland Wanawan, City Fire Marshall, Dagupan City, gawa lamang sa light materials ang naturang bahay, na isang shanti house, kaya naging mabilis ang pagkalat ng sunog.

Aniya, wala naman naitalang sugatan sa insidente at ligtas ang dalawang indibidwal na nakatira roon.

--Ads--

Wala rin ibang istraktura ang nadamay mula sa insidente.

Nahirapan ang mga bumbero sa pasukin ang lugar subalit, nagkaisa ang mga tao sa pag-apula ng apoy.

Dakong 6:52 ng gabi nang makarating ang mga ito sa lugar at sa oras din yun ay naapula na ng mga tao ang sunog.

Samantala, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang tukuyin ang sanhi ng pagsiklab ng sunog.