Umabot sa ikaapat na alarma ang naganap na sunog sa CSI the City Mall dito sa lungsod ng Dagupan na nag-umpisa kaninang alas tres ng madaling araw.

Dahil sa laki ng sunog ay rumispundi na ang Bureau of Fire Protection mula sa mga kalapit na bayan at siyudad ng Dagupan.

Tumulong maging ang ilang empleyado ng nasabing mall na pag-mamay- ari ni dating Dagupan City Mayor Belen Fernandez upang maisalba ang mga kahon-kahong suplay ng food items at iba pa sa kanilang bodega.

--Ads--

Bahagyang kumalat ang apoy sa gusali ng department store na kinalalagyan ng mga stalls dahilan para binutas na ang gilid na pader nito.

May mga medical staff din mula sa siyudad ng Urdaneta ang umalalay sa mga tumulong na maapula ang sunog.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection Dagupan ang naging sanhi ng sunog.