Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Production o BFP ang nanagyaring sunog sa Barangay Bonuan dito sa lungsod ng Dagupan.
Matatandaan na pasado alas dos ng hapon kahapon ng naitala ang sunog sa may bahagi ng Sitio Las Vegas sa nabanggit na barangay kung saan dalawang magkatabing bahay ang tinupok ng apoy.
Walang naisalbang anumang gamit ang mga nasunugan kaya labis ang lungkot ng mga ito .
Ayon kay Gloria Cornel, may ari ng nasunog na bahay, naging abo na lamang ang kanilang tindahan na kanilang pinagkukuhanan ng pangkabuhayan maging ang kanilang tricycle .
Sinamantala rin ng mga kawatan ang pangyayare at nagawan pang pagnakawan ang kapitbahay ng nasunugan.
Nabatid na hindi naging madali apulahin ang apoy dahil na rin sa lokasyon ng mga bahay kung saan ay pahirapan ang pagpasok ng kanilang mga fire trucks.
Tinitingnan namang anggulo ng sunog ay ang mga kawad ng kuryente na nakabit sa mga poste maging ang mga electrical appliances na nasa loob ng mga naturang bahay.
Walang namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.