Dagupan City – Umabot na sa 3rd alarm ang sunog na naitala sa Lungsod ng San Carlos pasado ala-6 ng umaga.
Base sa salaysay ni Ferdinand Baguio na siyang nakarinig ng mahinang putok sa isang stall, nagwawalis lamang ito pasado alas-4 ng umaga nang marinig ang mahinang putok.
Aniya, hindi nito inakala na magsasanhi iyun ng sunog kung kaya’t laking gulat na lamang niya ng biglang sumiklab ang apoy.
Mabilis namang kumalat ang apoy dahil lumalabas na gawa sa light materials ang mga stall sa old makret at puro mga plastics naman ang mga paninda nito.
Agad namang umakyson ang San Carlos Bureau of Fire Protection ngunit hindi na nito kinaya ang bilis ng pagkalat ng apoy kaya’t agad din tumulong ang kalapit pang BFP na kinabibilangan ng Calasiao, Malasiqui, Basista, Lingayen, Pozorrubio, Urbiztondo at iba pa.
Umantabay na rin ang hanay ng kapulisan at ang volunteer’s ng Pangasinan Red Cross para sa kaligtasan ng publiko.
Kaugnay nito, Alas-8 na ng umaga ay patuloy pa rin ang pag-aapula ng apoy. May mga nagbibigay na rin ng pagkain at tubig sa lugar.