DAGUPAN CITY- Binuksan sa publiko ngayong linggo ang tatlong bagong ayos na kalsada sa mga barangay ng Polong Sur, Bawer, Ican, at Asin-Balite bilang bahagi ng mga proyektong pang-imprastruktura ng lokal na pamahalaan para sa taong 2025.

Binuksan noong Mayo 6 ang kalsadang sa mga Barangay Polong Sur at Bawer.

Noong Mayo 8 ang kalsada sa Barangay Ican, at sa Mayo 9 ang kalsada sa Barangay Asin-Balite (Sitio Letakan) na may dalawang bahagi.
Kabilang sa proyektong ito ang pagkakabit ng stone masonry at Reinforced Concrete Pipe (RCP) para sa drainage system.

--Ads--

Isinagawa ang mga ribbon-cutting at blessing ceremonies na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga barangay, simbahan, at Municipal Engineering Office.

Ang mga proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng 20% Development Fund ng lokal na pamahalaan at layuning mapabuti ang daloy ng transportasyon at kabuhayan sa mga nasabing lugar.