Ibabalik na ng domestic boutique airline na Sunlight Air ang kanilang Manila-Busuanga (Coron) route operations sa susunod na buwan na magpapasimula nitong October 27, 2024.

Ayon sa pahayag ng Chief Executive Officer (CEO) ng nasabing paliparan na si Ryna Brito-Garcia, ang kanilang Manila-Busuanga (MNL-USU) ay palagi umanong in-demend sa mga pasahero kung saan ito ang unang binuksan, simula nang inilunsad ang paliparan. Sabi pa nito, nasasabik na ang mapunuan ng paliparan na mag-alok ng mas marami pang access sa mga pasahero.

Magsisimula ulit ang daily fikights operation simula October 27 ng taong ito sa Ninoy Aquino International Airport (MNL) Terminal 2 in Manila hanggang sa Francisco B. Reyes Airport (USU) in Busuanga.

--Ads--

Upang ipagdiwang ang pagbabalik ng nasabing ruta, nag-aalok ang Sunlight Air ng one-way na tikets na may starting price na P688 para sa mga flight mula Manila papuntang Busuanga. Maaaring ma-avail ang offer na ito sa kanilang website kung saan magiging epektibo sa mga flights sumula October 27, 2024 hanggang March 29, 2025.

Nag-aalok din ang paliparan ng isang exclusive lounge access para sa kanilang mga pasahero at 5 percent doscount sa mga piling restuarant sa Coron, Palawan.

Ang nasabing paliparan ay nag-ooperate mula Clark, Cebu hanggang Busuanga, kung saan mayroon na itong mahigit 26,000 na pasahero simula noong April 2024. (Luz Casipit)