Kinumpirma ng Philippine Coastguard o PCG Pangasinan na pormal nang naalis ang sumadsad na foreign vessel sa bayan ng Bolinao partikular na sa karagatang sakop ng Brgy. Patar.

Sa impormasyon mula sa PCG, noong December 29 sinimulan ang pag pull out sa barko at nakarating ito sa Sual Anchorage noong December 30 kung saan ito aayusin bago tuluyang ibinalik sa bansa kung saan ito orihinal na nanggaling.

Kung matatandaan, noong December 9 nang sumadsad ang naturang foreign vessel sa bayan ng Bolinao lulan ang nasa 23 na mga dayuhan na kinabibilangan ng 20 Chinese at 3 mga Myanmar Nationals.

--Ads--

Noong December 22 nang matatandaan din na maaprubahan ng Philippine Coastguard ang Salvage Work Plan na ipinresenta ng Salvor Company na siyang nanguna sa pag pull out o pag-hila ng barko doon.

Una nang inihayag ng Philippine Coastguard Pangasinan na walang malaking tanker ang ating bansa na sasapat upang mapaglagyan ng libu-libong toneladang kemikal na paraxylene kaya hinintay pa nila ang barko mula sa ibang bansa kung saan ilang araw din ang iginugol upang mai-transfer ang mga kemikal doon hanggang sa gumaan ng kaunti ang barko at tuluyan na itong hinila ng Thug boat noong nakaraang buwan lang din ng Disyembre.