Historical ang natagpuan ng mga estudyante sa France nang mahukay nila sa kanilang pagtatrabaho sa isang archaeological site ang 200 year old na mensahe ng isa ding archaeologist na nagtrabaho din sa parehong lugar.

Ayon kay Guillaume Blondel, head ng Regional Archaeology Service sa bayan ng Eu, tinatrabaho ng mga student volunteer ang isang emergency dig sa nalalabing bahagi ng Gaulish village nang matagpuan nila ang maliit na bote sa loob ng isang palayok.

Dinala nila ito sa kaniya at kanilang binuksan ang bote at binasa ang mensahe.

--Ads--

Nakasaad sa papel, mula kay P.J Féret ang kanilang natagpuan. Si Féret ay isang native ng Dieppe at myembro ng iba’t ibang intelektwal na samahan. Nagsagawa siya ng excavation sa naturang lugar noong January 1825. Pinagpatuloy niya din ang kaniyang imbestigasyon sa Cité de Limes o Caesar’s Camp.

Ikinamangha naman nila Blondel ito dahil maituturing nilang “very rare” na makakita ng ganitong bagay na mula sa kapwa nila archaeologist.