Natagpuan ang isang sugatang dolphin na palutang lutang sa dagat na bahagi ng Lingayen, Pangasinan.
Agad namang dinala ito sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR para magamot.
Pinaniniwalaang aksidenteng natamaan ang dolphin ng propeller ng banca o fishing boat.
--Ads--
Ayon sa BFAR, isang spinner dolphin ang narescue.
May haba ito na 7.75 ft.
Madalas na may namamataan na ganitong klase ng dolphin sa Lingayen Gulf.