Binigyang linaw ng Sual PNP ang alegasyong pagtanggi umano nilang i-entertain ang reklamo ni Jayson Magno, kinakasama ng OFW na na-scam ng taga Quirino Province.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa hepe ng Sual Police Station na si PCapt. Fredwin Sernio, ang advice umano ng kanilang imbestigador kay Magno ay bumalik sa kanilang himpilan na may katibayang nagpadala talaga ng pera o ng money transfer ang OFW na si Lorna Catubig sa nang-loko rito na taga Quirino Province nang ito ay kanilang mai-coordinate sa Police Station sa Quirino bilang labas umano ito sa kanilang jurisdiction.

Dagdag nito na hindi umano sinabi ng kaniyang tauhan na kailangan pang pumunta ni Magno bilang complainant sa Quirino upang doon iparating ang kaniyang reklamo.

--Ads--

Nangako naman ang hepe na kaniyang titignan kung mayroong katotohanan ang mga paratang ng complainant.