Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente ng low-lying coastal areas sa Bataan, La Union, Pangasinan, at Zambales dahil sa banta ng storm surge habang papalayo sa kalupaan ng Pilipinas ang Tropical Storm Ramil.

Sa inilabas na storm surge warning ng ahensya kaninang 2 AM, ngayon araw ng lunes, October 20, 2025, may banta ng minimal to moderate storm surge sa susunod na 12 oras.

Inaasahan na aabot sa 1 hanggang 2 meters ang taas nito.

--Ads--

Inirerekomenda rin ng ahensya na itigil muna ang anumang marine activites sa mga nasabing lugar bilang pag-iingat.