Nirerespeto ng Small Town Lottery o STL Pangasinan ang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ng operasyon ng Lotto, STL, Keno, Peryahan ng Bayan at lahat ng gaming operation o scheme na may lisensya o prangkisa mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCSO-STL Pangasinan Operations Manager Anthony Ang Angco, sinabi nito na kabutihan ng karamihan ang intensyon ng Pangulong Duterte kaya inirerespeto nila ang desisyon nito.

Ayon sa opisyal, katatapos lamang kahapon ng pulong nila kasama ang bagong General Manager ng PCSO sa katuhan ni Royina Garma kaya ikinagulat nila ang naturang anunsyo. Ngunit sa kabila nito ay handa silang sumunod sa stopping order ng Punong Ehekutibo.

--Ads--

Ayon kay Ang Angco, posibleng mayroong nakitang internal problem si Garma sa PCSO kaya niya ito inireport sa Pangulo na siyang naging dahilan para ipatigil nito ang lahat ng operasyon ng PCSO games.