DAGUPAN CITY- Binigyan pagpapahalaga ng isang doktor ang kahalagahan ng pagbibigay ng agarang lunas sa Sexually Transmitted Diseases (STD) o Sexually Transmitted Infections (STI).
Ayon kay Dr. Glenn Soriano, US Doctor and Natural Medicine Advocae, ang STD ay isang uri ng mga sakit na naipapasa sa pamamagitan ng interaksyon, karamihan ay sa pakikipagtalik.
Aniya, nangyayari ang transmission sa pamamagitan ng bodily fluid (tulad ng laway, semilya, dugo, vaginal fluid, atbp.).
At sa mga buntis, maaaring mahawaan ang kanilang mga dinadalang sanggol sa kanilang sinapupunan.
Madalas nagkakaroon ng naturang sakit ang mga tao na may multiple partners o aktibo sa pakikipagtalik.
Binigyan linaw naman ni Dr. Soriano, maliban sa pagkahawa, maaari pa rin makapag-develop ang isang tao ng STD/STI sa pamamagitan ng hindi magandang lifestyle at personal hygiene.
Karaniwang nakikitaan ng sintomas ang mga ‘portals of entry’ o kung saan kadalasan pinapasok ang ari ng lalaki.
Katulad na lamang ng blisters sa bunganga at pangangati’t pagkakaroon ng discharge naman sa mga pribadong bahagi.
At habang tumatagal, makakaranas na ng lagnat at panghihina.
Nagpaalala si Dr. Soriano na mahalagang magkaroon ng regular check-up sa mga doktor ang mga aktibo sa pakikipagtalik upang masuri ang kalusugan nito.
May malaking epekto rin sa protokesyon ang paggamit ng condom upang makaiwas at hindi na maikalat pa ang sakit.
At bago makipagtalik, mahalagang maging tapat ang mag-partner hinggil sa pagkakaroon ng STI.
Dagdag pa niya, hindi dapat mahiya, partikular na ang mga kabataan, na magpasuri sa mga doktor upang matukoy kung may impeksyon na sila dahil bahagi ng pagkadalubhasa ng totoong doktor ang pagiging ‘discrete’ nito.
Ito ay upang magkaroon ng paggamot sa ‘early detection’ dahil nagagamot naman ang mga STI at kinakailangan lamang maging masunurin sa doktor.
Habang viral infection naman ay nakadepende sa immune system ng isang tao.