Ipinagmalaki ni Mayor Belen Fernandez ang naging accomplishment ng kanyang administrasyon sa Dagupan City sa nakalipas taon sa kanyang State of the City Address ngayong araw na ginanap sa CSI Stadia.
Ito na ang pangatlong SOCA ng alkalde sa kanyang panunungkulan mula nang ito ay bumalik sa serbisyo matapos ang tatlong taong pagiging private citizen, at ika-siyam mula nang magsimula ang kanyang unang termino bilang alkalde mula 2013 hanggang 2019.
“Sulong Dagupan” ito ang tema ngayong taon mula sa dating “Iyagel, ilaban, iyalagey su Baley” noong 2023 at “Unaen su Baley” noong 2024.
Tinalakay dito ang patungkol sa mga naging pangako nito kasama ang kanyang mga konsehal noong 2024 na itinuturing niyang isang golden age dahil muling pagbangon at pag-unlad ng Dagupan sa pamamagitan ng mga pinagsamang tulong ng ilang pambansang pamahalaan at lokal na pamahalaan dahil sa mga nagpapatuloy na imprastraktura gaya ng flood mitigation projects, construction of road and elevation of road at iba pa.
Bagamat ang kanyang administrasyon ay nabigyan ng regular na budget na P1.3 bilyong piso para sa 2024, ito ay dumating nang halos tatlong buwan na atrasado, kaya’t napilitang mag-operate ang siyudad sa isang reenacted budget ng tatlong buwan.
Gayunpaman, ito ay mas mabuti kumpara noong 2023 nang ang taunang budget na naipasa ay higit lamang sa P600 milyon, na sapat lamang para sa isang third-class na munisipalidad, dahilan upang ideklara ng Department of Budget and Management na ito ay “inoperative in its entirety.”
Subalit, ito ay pinalitan ng isang bagong budget dahil sa mahusay na pagsusumikap ng limang minority councilors, na nagamit ang pagkakataon upang ipasa ang taunang appropriation na P1.1 bilyon nang sabay-sabay umalis ng bansa ang tatlong opposition councilors.
Ipinagmalaki din dito ang tungkol sa kalagayan ng ekonomiya ng lungsod kung saan inaasahan na sa mga susunod na mga taon ay magiging isang 2 billion economy na ang Dagupan at abot kamay na aniya ang pangarap sa pagiging 1st class city sa susunod na 3 taon.
Ipinagmalaki din dito ang tungkol sa Edukasyon, Kalusugan, Basura, Turismo, Disaster Resilient at iba pa na siyang ikinatuwa ng mga dumalo.
Inihalintulad din nito ang Dagupan bilang Phoenix na siyang simbolo ng resilient, transformation at rebirth.
Samantala, ayon kay Elisa Delin ang siyang presidente ng Barangay Health Worker sa Bonuan Gueset na natupad aniya ng alkalde ang naging pangako sa kanila noong nakalipas na taon dahil nabigyan sila ng pansin.
Ikinatuwa nito ang mga inilahad sa SOCA at inaasahan na mas marami pang programa at proyekto sa mangyayari sa lungsod.