Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang paglalagay sa bansa sa “State of National Calamity”.

Kasunod ito sa matinding pinsala ng bagyong Tino sa Central at Eastern Visayas at ang inaasahang epekto ng panibagong bagyo.

Isinagawa nito ang deklarasyon sa ginanap na situational briefing ng kaniyang gabinete sa Office of the Civil Defense headquarters sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

--Ads--

Ayon sa pangulo na bilang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na magiging mapaminsala ang paparating na bagyong Uwan ay marapat na ideklara ang buong bansa bilang nasa State of National Calamity.

Magugunitang nag-iwan ang bagyong Tino ng 140 na nasawi at 127 ang nawawala at nagdulot ng malawakang pagbaha sa Central at Eastern Visayas.