DAGUPAN CITY- Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad sa bayan ng Basista ang pagdedeklara ng State of Calamity dulot ng mga pinaranas na pag-ulan ng bagyong Crising.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josephine Robillos, Pangasinan Association of Local Disaster Risk Reduction Management Officer, na hindi pa naaabot ng kanilang bayan ang mga kinakailangan upang isailalim ang bayan sa State of Calamity.

Aniya, higit 5,700 na mga pamilya ang kanilang nabibilang na apektado mula sa bagyong Crising.

--Ads--

Gayunpaman, dumami umano ang bilang ng mga apektadong pamilya subalit, isang pamilya lamang ang nasa evacuation center ng bayan.

Patuloy naman ang kanilang paghahanda sa bagyong Dante at bagyong Emong na magpaparanas pa ng pag-ulan sa lalawigan.

Samantala, nananawagan naman sila sa 2nd District Congressman na maaprubahan na ang Magna Carta for Public Local Disaster Officers upang maging regular na empleyado ang mga nagbubuwis buhay na responders.

Ito ay upang magkaroon sila ng sweldo na makakatulong na masuportahan ang kanilang pamilya.