Idineklara ang state of calamity sa buong lalawigan ng Pangasinan dahil sa naging epekto ng Bagyong Maring at sa nagpapatuloy na laban sa covid-19.
Sa isinagawang virtual regular session ng Sangguniang Panlalawigan ay bumuto pabor ang mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.
Ayon kay 4th district Board Member Jeremey ‘Ming’ Rosario, napapanahon ang pagsasalilalim sa state of calamity dahil malaki ang epekto ng bagyo sa lalawigan at malaki na rin ang epekto ng covid 19.
Layunin nito na mabigyan ng karampatang tulong ang mga residenteng naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Samantala, sinabi ni Rosario na bagamat may pera sa pambili ng mga gamot at mga material na kailangan sa pagtugon sa covid minarapat pa ring ipasa ang deklarasyon.
Samantala, iniulat ni Provincial Disaster and Risk Reduction Management Officer Ret. Col. Rhodyn Luchinvar Oro na nasa higit 263 milyong piso ng halaga ng pinsala sa agrikultura ang naitala ng Bagyong Maring.
Habang nasa 28.8 milyong piso ang pinsala sa imprastraktura at 1.8 milyong piso naman sa livestock.
Dahil dito ay sinang ayunan umano ng mga board members ang desisyon na maisailalim ang lalawigan sa state of calamity.
Nabatid na ang mga lalawigan ng La union at Ilocos Sur ay isinailalim din sa state of calamity dahil rin sa naging pinsala ng parehong bagyo.