Matapos ang rekomendasyon ng Municipal Agriculture Office o MAO at ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council o LDRRMC, ipinasa sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan ang resolusyon na isinailalim na sa State of Calamity ang bayan dahil sa Aftican Swine Fever o ASF.
Mahigit isang libong baboy na o 1200 na baboy na ang isinailalim sa culling operation at ibinaon sa Mangaldan.
Binuo naman ng lokal na pamahalaang bayan ng Mangaldan sa pamumuno ni Mayor Mary Marilyn Lambino ang African Swine Fever Task Force sa pamamagitan ng Executive Order No. 2020-L-10.
Nakapaloob sa Executive Order ang mga paraan at hakbang ng LGU Mangaldan para maaksyunan ang nasabing sakit ng mga baboy at hindi na kumalat pa.
Tatlong barangay na ang may nagpositibong kaso ng ASF kabilang na ang Barangay Bateng, Palua, at Alitaya.
Habang limang barangay naman ang naka-lockdown kabilang na ang Pogo, Salaan, Lanas, Bantayan, Talogtog.