Plano ng isang start-up company sa Shanghai na magtayo ng malalawak na pasilidad upang magproseso ng synthetic fuel mula sa tubig at hangin, ayon sa ulat ng Chinese media outlet.
Ayon sa report, ang kompanyang Carbonology ay kasalukuyang pinag-aaralan ang teknolohiya na magko-convert ng carbon dioxide mula sa hangin at tubig upang gawing artificial fuel.
Gagamitin ng proyekto ang solar at wind energy bilang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya sa produksiyon ng synthetic fuel.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatibo ng China na humanap ng alternatibong pagkukuhaan ng langis, lalo na sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng US-Israel at Iran.
Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng sariling mapagkukunang fuel ay makatutulong sa pagpapanatili ng enerhiya at pag-iwas sa labis na epekto ng mga pandaigdigang krisis sa langis.










