Dagupan City – Tumanggap ng Plaque of Recognition ang Local Government Unit (LGU) ng Sta. Barbara mula sa Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR–EMB) Region I bilang pagkilala sa pagiging isa sa mga Finalist sa Search for Outstanding Water Quality Management Area (WQMA) 2025.
Iginawad ang pagkilalang ito sa Sinocalan-Dagupan River System Water Quality Management Area (SDRS–WQMA), kung saan aktibong kasapi ang Sta. Barbara, dahil sa natatanging tagumpay nito sa pagpapabuti ng kalidad ng tubig, pagpapatupad ng mga hakbang sa pollution control, at epektibong pakikipagtulungan ng mga stakeholder, na nagsilbing huwaran para sa iba pang WQMA sa buong bansa.
Dumalo sa awarding ceremony kamakailan sa syudad ng San Carlos ang delegasyon mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Sta. Barbara na pinamunuan ni Engr. Randolf Manuel kasama ang kanyang mga kawani upang tanggapin ang parangal.
Patuloy ang pagsisikap ng LGU Sta. Barbara sa pangangalaga ng kapaligiran, maayos na pamamahala ng likas na yaman, at responsableng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng alkalde ng bayan na si Carlito Zaplan.










