DAGUPAN CITY–Nananatiling bukas ang St. Vincent Ferrer prayer park ngayong Semana Santa para sa mga debotong Katoliko na magtungo sa barangay Bani sa bayan ng Bayambang.
Ayon kay Rafael Saygo, ang tourism officer ng LGU Bayambang, na maari itong tunguhin ng mga deboto.
Nasa loob ng St Ferrer Prayer Park ang isang Chapel na ginaganapan ng mga misa at matatagpuan sa paanan ng istatwa ang Station of the Cross na siya namang akma sa mga debotong katoliko sa Semana Santa.
Aniya, ngayong panahon ng pandemya na dulot ng Covid19, may mga restriksyon na ipinapatupad ang pamahalaan para hindi kumalat ang naturang sakit.
Ito ang istriktong pag obserba ng mga minimum health standards o health protocols gaya ng pagsuot ng face mask, face shield, social distancing at paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol.
Kinakailangan lamang din umano ng pagpapatupad ng minimum health standard at paglimita sa pagpasok sa loob ng Prayer Park na mga deboto para magnilay nilay at magdasal sa patron ni St Ferrer.
Ito ang pinakamataas na bamboo sculpture sa buong mundo at nakamit ang Guiness World Records, ang istatwa ni St. Vincent Ferrer na mas mataas pa sa Statue of Liberty ng New York sa Amerika at Christ the Redeemer sa Brazil.
Ang istatwa ng patron ng Bayambang na si Saint Vincent Ferrer na may taas na 50.23 metro na nakatayo sa gitna ng isang prayer park sa Barangay Bani sa Bayambang na gawa sa pinaghalong metal at engineered bamboo.
Isa rin ito sa mga dinarayo ngayon ng mga debotong Katoliko at maski ng mga turista ay ang bayan ng Bayambang, dito sa lalawigan ng Pangasinan.