Nagsimula na ang pamamahagi ng Social Security System o SSS ng 13 month pension para sa lahat ng mga pensioners na nagsimula noong December 1 at magtatagal hanggang December 4.

Ayon kay Joy Lim, ang assistant branch head ng SSS Dagupan napaaga ngayong taon ang kanilang pamamahagi na dati ay kadalasang nagsisimula ng Dec 7 dahil na rin sa covid19 pandemic at mga dumaang kalamidad sa bansa kayat minabuti na ng ahensiyang maipaabot ang mga pension upang magamit na ito ng mga pensioners.

Aniya, kung magkano ang perang matatanggap ng mga pensioners ngayong buwan ay ito rin ang kanilang matatanggap sakanilang 13 month pension.

--Ads--

Bale dalawa na umano ang kanilang matatanggap na pension ngayong disyembre na sabay na nilang makukuha sakanilang enrolled bank account kung saan nila natatanggap ang kanilang monthly pension.

Joy Lim, assistant branch head ng SSS Dagupan

Samantala, bilang tulong narin nang SSS ay muling binuksan ang calamity loan assistance program dahil sa pagdedeklara na under state of calamity ang buong luzon.

Bukas muli ito sa lahat ng qualified sss members at maaaring i-avail online.

10 percent per anum ang interest nito at paalala rin ng ahensiya na magkakaroon ng penalty kung madedelay ng bayad ang mga nais mag-avail nito.

Ang kwalipikasyon naman nito ay nararapat na residente ng Luzon, may at least 36 monthly contributions minimum at may last 12 months contributions bago ang aplikasyon dahil dito ibabase ang makukuhang loan na maximum of P20,000.

Paalala naman nito sa mga miyembro na magregister online at sa mga may edad nang mga miyembro na hindi marunong ay huwag magdalawang isip na humingi ng tulong sakanilang mga kamag anak o sa tanggapan ng SSS at hindi sa kung sinu- sino lamang para maiwasan na mabiktima ng panloloko.