DAGUPAN, CITY— Aminado ang tanggapan ng Social Security System o SSS Dagupan Branch na mas dumami ang bilang ng mga benepisyaryong nag-avail at nabigyan ng calamity at salary loan ngayon.

Ayon kay Joy Lim, Assistant Branch Head ng nabanggit na ahensya, exclusive ang calamity loan nila sa mga panahon ng kalamidad pero ngayon na naging extended ang kanilang serbisyo, mas dumami din ang nabigyan nito.

Ganito din niya inihalintulad ang bilang ng mga nabigyan ng salary loan bunsod ng maraming bilang ng mga displaced employees na nangangailangan ng financial assistance bilang bahagi na din ng unemployment benefit.

--Ads--

Sa kanilang datos noong taong 2019, pagka lunsad pa lang ng programang ito at sa 1st quarter pa lamang, sila’y nakapag release na ng 178 million sa unemployment benefit lamang kaya tinatayang dumoble na ito ngayong taon.

Giit ni Lim, maraming mga employees ang nagpatupad ng temporary suspension at bilang deklarasyon upang hindi tumakbo o gumalaw ang kanilang mga babayarin.

Sa mga ganitong sitwasyon, itinitigil na din ng kanilang ahensya ang billing sa mga employers.

Paliwanag pa niya na kapag ang isang indibidwal ay separated na sa kumpanyang pinapasukan nito, otomatikong mawawala na din ang tinatawag na employee-employer relationship at kapag sinabing voluntary, kinakailangan itong bayaran ng buo ang kontribusyon kumpara sa employed, maaaring magkaroon ng counterpart sa employer sa pamamagitan ng 36/65% na hatian. (with reports from: Bombo Lyme Perez)