Nais ng mga Sri Lankan nationals na nagtatrabaho sa Maldives na huwag nang magtagal doon ang kanilang dating presidente na si Gotabaya Rajapaksa.

Ito ay matapos na sa nasabing bansa nagpunta si Rajapaksa matapos ang pagbibitiw nito sa pwesto matapos ang ginawang malawakang pagpoprotesta ng mga mamamayan doon dahil sa nararanasan nilang economic crisis.

Ayon kay Bombo International Correspondent Rhona Dimapasok mula sa Maldives, nagsagawa ng mga protesta ang mga Sri Lankans na nagtatrabaho doon upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa pananatili doon ng kanilang dating lider.

--Ads--

Aniya, isinagawa nila ito sa tapat ng isang artifical beach sa Mali, Maldives.

Inilahad nito na malapit lamang din ang naturang bansa sa Sri Lanka kaya malaki rin ang populasyon ng mga mamamayan doon ang nagtatrabaho.

Bagaman may katotohanan naman umano ang mga naibigay ng ulat sa pagpunta doon, may ilang bersyon din ng umano ng kwento sa paglapag ng military jet na ginamit ng dating pangulo kung saan may ilang claims na nagsasab na hindi ito pinayagan na makalapag habang ang isa naman ay tinulungan pa ito ng mga militar sa Maldives.

Kaugnay naman nito, hindi rin naman nagtagal si Rajapaksa sa Maldives at nakatakdang pumunta na sa Singapore.