DAGUPAN CITY- Nananawagan sa kongreso ang August 21 Movement (ATOM) na magkaroon ng special session para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Volt Bohol, presidente ng nasabing grupo, posible pa rin itong mangyari at maaari pang mapaikli ang oras kung magsusumite na ng affidavit ang mga tatayong witness.

Aniya, kailangan kase itong madaliin dahil ang kaso ng bise presidente ay maituturing na mabigat, lalo na sa pagbabanta nito kay President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at kay House Speaker Martin Romualdez.

--Ads--

Makapagdudulot din kase ng “political instability” ang isang bise presidente na kinakayang pagbantaan ang pangulo ng bansa.

Giit naman ni Bohol na tila napakatagal na ng buwan ng Hunyo upang maipagpatuloy ang impeachment trial ng isang bise presidente na nakapagbitaw na mabibigat na salita online.

Kaya kanilang binabantayan ang democratic values ng bansa dahil naiintindihan nilang ‘challenging’ ang mangyayaring proseso.

Subalit, hindi dapat ito maging hadlang para masunod ang nasa konstitusyon at mabalewal ang nasabing aspeto.

Saad pa niya, kung handa naman ang kongreso ay hindi na kailangan pang maantala ang impeachment trial ng bise presidente.

Samantala, naniniwala naman si Atom na naging mabilis ang pagpasa ng impeachment trial dahil sa mga nagdaang rally ng mga taumbayan.

Dagdag pa niya, tulad ng impeachment ni dating Pangulong Joseph Estrada noong 2001, kapangyarihan ng nagsama-samang sambayanan ang nakapagpatupad nito.