Bumuo na ang PNP Region 1 ng special Investigation task group na pamumunuan ng deputy regional director for operation para sa agarang pagresolba sa nangyaring pananambang kay dating Pangasinan Cong. Amado Espino Jr., sa lungsod ng San Carlos noong Setyembre 11.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo kay PNP Regional Director, Police Brigadier General Joel Sabio Orduña, tiniyak nito na lahat ng anggulo ay kanilang tinitignan.
Sa ngayon aniya ay hindi pa nila nakakausap si Espino na nagpapagaling na sa ospital.
--Ads--
Nanawagan si Orduna sa mga taong nakakita o may nalalaman sa nangyaring pananambang na lumapit sa kapulisan upang mabilis maresolba ang nasabing kaso.