Umabante sa semifinals ng FIFA World Cup ang Spain matapos nitong talunin ang Belgium, 2-1, sa isang mahigpit na quarterfinal match na ginanap sa Los Angeles Stadium.
Unang nakapuntos ang Spain sa ika-30 minuto ng 1st half sa pamamagitan ni Fabian Ruiz na nagbigay ng 1-0 kalamangan sa kanilang koponan.
Gayunman, nakabawi ang Belgium bago matapos ang first half nang maipasok ni Charles De Ketelaere ang isang header sa ika-41 minuto mula sa assist ni Timothy Castagne upang itabla ang iskor sa 1-1.
Nagtapos ang 1st half na tabla ang dalawang koponan sa kabila ng dominasyon ng Spain sa ball possession at mga goal attacks.
Sa i2nd half ng laro, patuloy na naghanap ng pagkakataon ang Spain habang sinubukan naman ng Belgium na pigilan ang kanilang opensiba.
Nang tila papunta na sa extra time ang laban, naitala ni Mikel Merino ang panalong goal sa ika-88 minuto matapos maipasok ang bola mula sa net at itaas sa 2-1 ang iskor pabor sa Spain.
Dahil sa panalo, nakasiguro na ang Spain ng puwesto sa semifinals ng torneo habang nagtapos naman ang kampanya ng Belgium sa quarterfinal round.










