Isinusulong na ngayon ng Sangguniang Panglalawigan ng Pangasinan ang isang ordinansang naglalayon ng tamang koleksyon sa paggamit ng mga aprubadong molecular laboratories sa probinsya.

Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hon. Jeremy Agerico B. Rosario, 4th District Board Member, at siyang kinatawan din ng Committee on Health, ito ay may kaugnayan sa ibinabang price ceiling ng Department of Health (DOH) at Department of Trade & Industry (DTI) na nagkakahalaga ng hindi taas sa P5,000 mula sa mga pribadong pagamutan at hindi naman lalagpas sa P3,800 kung mula sa mga pampublikong ospital.

Kaugnay nito, bilang aprubado na rin sa PhilHealth ang operasyon sa molecular labs, wala ng kailangang bayadan ang mga miyembro nito.

--Ads--

Dahil dito mas mapapabilis na ang paghihintay ng COVID-19 test results.

Voice of Hon. Jeremy Agerico B. Rosario, 4th District Board Member