DAGUPAN CITY–Hindi kumbisido ang Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Pangasinan sa pag depensa ni Dr. Shiela Marie Primicias, Schools Division Superintendent ng DepEd Schools Division Office (SDO) Pangasinan I sa mga alegasyon ng korupsyon laban sa kaniya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay 2nd District Board Member . Von Mark Mendoza, bagamat itinanggi umano ni Primicias na ito ay direktang humaharap at nagbebenta sa kaniyang nasasakupang public schools, batay sa pagbeberipika ng Sangguniang Panlalawigan sa mga Schools Divison Office o SDO na nasasakupan ni Primicias ay direkta naman umano itong nagbibigay ng mga instruksiyon sa pamamagitan ng kaniyang Public School Division Supervisors patungkol sa pagre-require nito o sapilitang pagbili ng flashdrives mula sa kaniya ng mga Principal at mga guro.

Kaya’t dagdag ni BM Mendoza na taliwas ito sa naging pahayag ni Primicias, dahil hindi rin umano nito itinanggi sa kanilang pagpupulong ang pagbebenta ng flashdrive sa mga guro, bagkus kaniya pa umano itong jinustify.

--Ads--
2nd District Board Member . Von Mark Mendoza

Matatandaang ang mandatory na pagbili ng flashdive ng mga guro mula sa kaniya, isyu patungkol sa tumbler ng mga atleta sa R1AA at paggamit ng Quipper sa isasagawang mga webinars o maging online classes ay ilan lamang sa mga issue na ipinupukol kay Primicias na kaniyang nauna nang pinabulaanan.