Dagupan City – Pumanaw na ang South Korean actor na si Jung Eun Woo sa edad na 40.
Hindi naman na binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ng aktor.
Ilang araw bago ang kaniyang kamatayan ay nagpost pa ito sa kaniyang social media account ng mga larawan ng namayapang si Leslie Cheung at Amy Winehouse.
--Ads--
Nasa mahigit dalawang dekada ang career ni Jung kung saan nagsimula ang kaniyang acting noong 2006 sa show na “Banollim 3”.
Kasama rin ito sa ilang mga pelikula gaya ng “He Was Cool”, “Bad Couple” at maraming iba pa.
Kasalukuyang naburol ito sa New Koryo Hospital Funeral Hall at ililibing ito sa Byeokje Sunghwa Cemetery sa darating na Pebrero 13.










