Sapilitan nang isinasailalim sa corona virus test ng pamahalaan ng South Korea ang mga mamayan doon bunsod na rin ng pag-akyat ng naitatalang kaso ng sakit sa South Korea.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Malyn Rosales Perez, tubong Bicol na kasalukuyang naninirahan sa South Korea, inilahad nito na dahil sa ginagawang hakbang na ito ay apektado rin ang emotional state ng ibang mga tao roon na kahit hindi positibo sa sakit ay sumasailalim pa rin sa covid test.

Aniya pa ni Perez na ang gobyerno ng South Korea ay sinisigurado lamang na kanilang nababantayan at inaalam ang mga bilang ng mga pasyenteng nahahawa ng virus para mapigilan na ang pagkalat nito.

--Ads--

Kaugnay pa nito ay naantala na rin ang klase at mga trabaho sa nasabing bansa dahil na rin sa pag-iingat ng pamahalaan dahil na rin ang South Korea ay isa sa mga bansang may naitalang pinakamataas na kaso sa naturang sakit.

Bagamat wala nang pasok sa mga ekwelahan ay pinagpapatuloy na lamang nila na talakayin ang kanilang mga aralin sa pamamagitan ng virtual learning o gamit na lang ang internet sa pagtuturo.

Dagdag pa nito na hindi naman umano nagkukulang ng guidelines ang Phillippine embassy roon at maigting na ipinapatupad ang nasabing mga protocol.

Sa kabilang dako , sa kabila ng malaking banta ng corona virus doon ay nananatiling masaya at lumalaban ang mga Pinoy roon laban sa virus.

Kahit gustuhin rin man kasi nilang umuwi ay sinabi nito na marami na rin kasing mga canceled flights sa South Korea at pati na rin sa Pilipinas.