DAGUPAN CITY- Iba ang tradisyon ng South Korea sa pagdiriwang ng Mother’s Day, kumpara sa nakasanayan sa Pilipinas, kung saan sabay ang pagseselebra ng araw ng mga Ina at Ama.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Aluh Abendan, Bombo International Correspondent sa South Korea, sa halip na magkahiwalay ang Mother’s Day at Father’s Day, sabay na ginugunita ito, kung saan tinatawag itong Parent’s Day.

Aniya, karaniwang ipinapasyal ang mga bata sa Children’s Day, habang ang mga magulang naman ay ginagawaran ng bulaklak, hindi lamang ang mga ina kundi pati ang mga ama.

--Ads--

Malaki din ang pagpapahalaga ng mga Koreano sa kanilang mga magulang, lalo na sa mga ina.

Makikita rin ang kaibahan ng kultura ng mga kababaihan sa Korea kumpara sa Pilipinas.

Samantala, may nakatakdang Mother’s Day celebration ang mga OFW sa South Korea kung saan magkakaroon ng panel discussion tungkol sa pagiging ina.

Para sa mga may asawang Koreano, mahalaga na sundin ang tradisyon ng Korea sa pagdiriwang.