DAGUPAN CITY- Payapa at tila isang ordinaryong araw lamang umano ang buong magdamag ng mga mamamayan sa South Korea sa kabila ng kinakaharap sa problema.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathyrine Stacey Viray, Bombo International News Correspondent sa South Korea, mapayapa ang naging lagay ng bansa kahit na mayroong nangyaring impeachment.
Aniya, very normal din ang naging sitwasyon sa buong araw ng mga mamamayan sa nasabing bansa.
Dagdag niya, nakabase umano sa pulso ng mga tao ang mga naging kaganapan, kung saan itinuturing nang disastrous ang lagay ng bansa dahil sa mga malawakang protesta.
Malaking dahilan din umano ang pagdedeklara ng martial law sa naging desisyon ng mga tao at mambabatas.
May mga nakikita umanong banta sa gobyerno ng South Korea ang nasabing pangulo at may mga kasong tinitingnan ang mga mambabatas.
Sa ngayon ay under process pa rin kung sino ang susunod na uupo sa nasabing pwesto.
Nag-aabang na rin ang mga mamamayan ng South Korea sa susunod na mga pangyayari.
Karamihan din sa mga nagprotesta ay laban sa nasabing presidente, may mga kaalyado ito ngunit mangilan ngilan.