Dumulog ang isang solo parent matapos hindi makatanggap ng ayuda mula sa second tranche ng SAP matapos na ilista ang kaniyang pangalan sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Salaysay ni Teresita Vinluan Tandoc, residente ng Barangay Lipit Sur, nailista ang pangalan niya at dalawang beses na ininterview noong june 11 at tinawag sa barangay noong Hunyo 18 kung saan may pinalagdaan pa aniya sa kaniya.

Dagdag pa nito na nakakuha na ng ayuda ang mga kasama nito.

--Ads--

Paliwanag ng complainant na hindi ito miyembro ng 4Ps at walang nakuhang ayuda mula sa ibang ahensiya ng gobyerno at kasalukuyang walang hanapbuhay

Sa follow up interview naman ng Bombo Radyo Dagupan, ipinaliwanag ni Darwin Chan, tagapagsalita ng DSWD Regional Office 1, na walang nangyayaring anomaliya sa pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP bagkus iginiit nito na ang makakatanggap nalamang ay ang mga kwalipikadong benepisyaryo na nakakuha ng unang tranche ng ayuda.

Kung hindi napasama sa masterlist, maaaring lumapit sa DSWD City/Municipal Operations Office Strike Team para maasistihan.

Maari ding lumapit sa kanilang LGUs o magmensahe sa FB page o hotline ng DSWD Regional office 1.

Sa ngayon, dalawa ang ginagawang pamamahagi ng SAP payout ng DSWD Regional Office 1 kung saan dumadaan sa digital payout ang mga tatanggap ng 2nd tranche samantalang ang mga waitlisted/leftout ng SAP ay kasalukuyang may ibinibigay na ayuda at DSWD staff mismo ang namimigay sa pamamagitan ng direct cash payout.

Sa digital payout, may nafund transfer na ang DSWD sa mga financial provider nito para sa mahigit 300,000 beneficiaries o katumbas ng mahigit 88% habang sa mga waitlisted sa Pangasinan mayroon ng nabigyan na mahigit 18,000 beneficiaries.

Samantala, nasa mahigit 433,000 households sa buong probinsiya ng Pangasinan ang target na mabigyan ng P5,500 emergency subsidy fund mula sa 2nd tranche ng SAP.