Dagupan City – ‘Overwhelming’
Ganito isinalarawan ni Lexi Austria, Bombo International News Correspondent sa New York ang kaniyang naging karansan matapos nitong personal na masaksihan ang once in a blue moon na Solar Eclipse.
Aniya, nang papalapit na ang oras upang amsaksihan ay ito kaniyang ninanam at nilasap ang pagkakataon.
Lubos naman ang kaniyang pasasalamat at tuwa nang makita na ito nang personal.
Ibinahagi naman nito ang mga naging kaganapan sa New York bago sumapit ang solar eclipse, aniya, maaaga pa lang ay makikitang abala na ang mga residente sa kanilang syudad.
Nauna nang binigyang linaw ni Austria na itinuring ito sa kanila bilang isang scientific phenomenon lamang at hindi isang pangitain o anumang pamahiin.
Samantala, ibinahagi ni Ruth Marie Magalong, Bombo International News Correspondent sa Canada ang kaniyang karanasan at aniya, mistulang unit-unting dumaan ang buwan sa kanila, dahil biglang lumiwanag at biglang dumilim.
Dagdag pa nito na naging payapa at tahimik ang nangyaring kaganapan, sumang-ayon din aniya ang klima sa kanilang lugar.
Binigyang diin naman nito na hindi rin sila naniniwala sa anumang pamahiin at bumabase lamang din sila sa scientific phenomenon.