Humihingi ng tulong ang South Korea sa North Korea para mahanap ang nawawalang sundalo ng kanilang coast guard na pinaniniwalaang maaaring napadpad sa bahagi ng teritoryo ng Pyongyang.

Ayon sa South Korean Unification Ministry, nawawala ang isang navy seaman nito noong Hulyo 12 habang nagsasagawa ng coast guard duty sa East Sea, na kilala rin bilang Sea of Japan.

Posible umanong tinangay ng malakas na alon ang nawawalang seaman sa Northern Limit Line, ang itinakdang border sa pagitan ng South at North Korea.

--Ads--

Dahil walang aktibong linya ng komunikasyon ang dalawang bansa, ipinadala ng South Korea ang kanilang kahilingan sa pamamagitan ng text message sa mga mamamahayag upang maiparating ang mensahe sa Pyongyang.

Hiniling din ng South Korean government ang kooperasyon ng North Korea sa paghahanap at ligtas na pagbabalik ng nawawalang coast guard.

Samantala, wala pang pahayag mula sa North Korean government tungkol sa kahilingang ito.| Bombo John Florez