Inumpisahan na ang socio-economic recovery plan upang makabawi sa mga negatibong epekto na sanhi ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Hinimok ng Gobernador ng lalawigan na si Gov. Amado I. Espino III ang kanyang mga concerned department heads sa pamamagitan ng isang pagpupulong na bumawi nang nagkakaisa at ang mga ipinapatupad na mga programa ay nararapat na naka-angkla patungo sa paghilom ng probinsya.
Ayon pa sakanya ay kailangang baguhin at iangkop ang mga konsepto ng mga programa at proyekto sa ibat-ibang ahensiya na naaayon sa pagtugon ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa socio-economic recovery plan na ito ay nabibilang ang mga proyekto na may kaugnay sa pagbibigay serbisyo sa ibat-ibang sektor katulad ng kalusugan, kabuhayan, trabaho, agrikultura, turismo, pangangalaga sa lipunan o social welfare, at iba pa para sa mga mamamayan ng nabanggit na probinsya.
Nagpaalala din ang Gobernador na dapat may progreso ang gagawin na socio-recovery plan upang makapagbigay ng pangmatagalang positibong epekto sa ekonomiya ng probinsya.