Dagupan City – Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office ang pamamahagi ng Social Pension Payout para sa daalwang libo limang daan at apatnapu’t pito (2,547) na mga benipisyaryo s lungsod ng Alaminos sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development.
Layunin ng programa na magbigay ng pinansyal na tulong sa mga senior citizens na walang natatanggap na pensyon mula sa anumang ahensya ng gobyerno upang matustusan ang kanilang pangunahing pangangailangan
Ang programa ay nagbibigay ng ₱1,000 na monthly stipend sa mga benepisyaryo, na ibinibigay tuwing tatlong buwan. Nakatuon ang DSWD na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga senior citizens sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. (Aira Chicano)