Dagupan City – Pasabog ang content ng social media influencer na kinilalang si Kate, matapos niyang subukan mag-hatch ng fertilized eggs na binili niya sa isang store.
Sa kanyang viral video, ipinakita ni Kate kung paano niya inilagay ang mga itlog sa incubator, at makalipas ang tatlong linggo, nagsimulang maglabasan ang walong sisiw mula sa dose-dosenang itlog.
Masaya niyang ibinahagi ang resulta ng kanyang eksperimento at pabirong sinabi sa kanyang viewers, “No egg shortage here!” Sa kanyang follow-up video noong February 15, ipinakita niya ang isa sa mga napisang sisiw na mukhang masigla at malusog.
Ngunit hindi lahat ng viewers ay natuwa. May ilan na naalarma, lalo na’t nalaman nilang posibleng ma-hatch ang fertilized eggs mula sa grocery store.
Ipinaliwanag naman ng Backyard Chicken Coops, isang vendor at educational site, na ligtas kainin ang mga fertilized eggs. Sa katunayan, hindi raw dapat matakot ang consumers dahil wala namang makikitang sisiw sa kanilang omelet kahit fertilized pa ang itlog.
Sa bansang Pilipinas naman, hindi rin bago ang pagkain ng fertilized eggs, lalo na’t paborito ng maraming Pinoy ang balut. Pero para kay Kate, mas pinili niyang alagaan ang mga sisiw sa kanilang backyard.