Inaprubahan na sa Australia ang pagbabawal sa mga batang wala pang 16 taong gulang na gumamit ng social media upang magtakda ng bagong global standards.

Sa ilalim ng batas na ito, maaaring pagmultahin ang mga tech company ng hanggang A$50 milyon kung hindi sila susunod.

Ayon sa batas, walang exemptions para sa mga batang kasalukuyang gumagamit ng social media o may pahintulot mula sa magulang.

--Ads--

Bagamat maraming magulang ang pumupuri sa hakbang na ito, binatikos ito ng ilang eksperto dahil sa mga tanong kung paano ito ipapatupad at ang posibleng epekto nito sa privacy at social connection ng mga kabataan.

Plano ng gobyerno ng nasabing bansa na gumamit ng age-verification technology para ipatupad ang mga limitasyon, ngunit nananatiling hindi malinaw kung paano ito gagana.

Samantala, ang mga social media platforms baman umano ang kailangang magdagdag ng mga sistemang ito sa kanilang mga aplikasyon.