Naglabas ng mensahe ni Lingayen Dagupan Archbishop at dating CBCP president Socrates Villegas sa mga nagpapalaganap ng fake news at mga trolls na binabatikos siya.
Ayon kay Villegas, kapag siya ay minumura sa social media ay ngingitian lamang nito at sasabihin na hindi alam ng mga taong ito ang kanilang ginagawa.
Nanawagan siya na itigil na ang gawaing ito na aniya ay ginagawang hanap buhay ang pagsisinungaling ,paninira at pagpapalaganap ng fake news.
--Ads--
Giit nito na ang perang hawak ng mga ito ay mawawala din dahil ang perang hawak nila ay hindi hanapbuhay kundi hanap patay.
Ipinapaubaya na lamang aniya sa Panginoon ang lahat na siyang nakakaalam ng lahat.