Handa nang mag-operate ang slaughter house sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Ayon kay Ronnie Ernst Duque – Technical Director, National Meat Inspection Service Region 1, inisyuhan nila ng meat inspection certificate ang slaughter house matapos na pumasa sa evaluation ang mga karne ng baboy na dinadala at kinakatay sa nasabing lugar.
Sinabi ni Duque na nangangahulugan na puwedeng itransport o ibiyahe sa labas ng bayan ng Mangaldan ang karne ng baboy dahil napatunayang malinis ang karne at na-observe ang hygiene and sanitation.
Pero nilinaw nito na hindi naman nila inisyuhan ng meat inspection certificate ang ibang mga hayop pero puwedeng katayin sa slauhter house ngunit hindi puwedeng ilabas sa kanilang bayan.
Kapag inilabas ay maituturing na hot meat at puwedeng kumpiskahin.
Giit ni Duque na upang maisyuhan ng meat inspection certificate ang alinmang slaughter house ay dapat i-observe ang good mnufacturing practices.
Ibig sabihin lahat ng karne na pumapasok at lumalabas sa slaughter house ay malinis.
Saad nito, magsasagawa ang mga meat inspector ng inspection pagpasok palang sa slaughter house para matiyak na walang sakit ang mga hayop para katayin.
Kapag kinatay na aniya ang hayo ay magsasagawa naman ng post mortem examination.
Tiyakin na malinis ang karne, normal ang kulay at malinis ang tubig na ginagamit sa slaughter house.
Kailangan na dumaan din ang tubig sa water capability test upang matiyak na malinis ang tubig na panghugas ng karne.