DAGUPAN CITY–Patay na nang mataguan ang isang SK kagawad na pinaniniwalaang nagpatiwakal matapos umanong hiwalayan ito ng kaniyang kasintahan dahil sa third party sa bayan ng Calasiao.

Ayon kay PLtCol. Ferdinand De Asis, hepe ng Calasiao PNP, base sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na nagpakamatay ang biktima gamit ang isang nylon rope sa kusina ng kanilang bahay sa Calasiao.

--Ads--

Base sa salaysay ng isa sa mga witness na mismong kamag-anak nito na nagkaroon di umano ng pag-aaway ang biktima at dati nitong kasintahan
Napatunayan din ito nang buksan ang cellphone ng biktima kung saan nadiskubre ang palitan ng mensahe sa pagitan ng dalawa.

Sinasabing mayroong third party kaya umano nakipaghiwalay ang kasintahan ng biktima na hindi nito nakayanan at nagpakamatay.

Ayon naman sa mga kapwa niya kagawad sa Sangguniang Kabataan na napakabait ng at hindi nila akalaing basta na lamang nito gagawin ang pagpapakamatay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan at tinitignan kung may foul play sa insidente .

Mula naman ng maupo si De Asis noong August hanggang sa kasalukuyan, mayroon ng 2 suicide cases na naitala sa bayan ng Calasiao.

Samantala, hinihikayat ng hepe ang mga mayroong mental health concern na magtungo sa kanilang himpilan kung saan maaari aniya silang maisangguni para sa libreng konsultasyon upang hindi na humantong pa sa pagpapakamatay.