Binura ng Philadelphia 76ers ang 3-1 deficit sa best-of-seven series nito sa Boston Celtics at tuluyan nang naitabla sa 3-3 ang laban.

Ito ay matapos muling pataubin ng Sixers ang 2024 champion sa Game 6 at pwersahin ang Game 7, 106-93.

Pinangunahan ng bagitong guard na si Tyrese Maxey ang panalo ng Philadelphia at sa loob ng 40 mins. na kaniyang paglalaro ay ipinasok niya ang 11 shots mula sa 22 kaniyang pinakawalan. Kumamada rin siya ng limang libre at dalawang steal.

--Ads--

Sa pagtatapos ng laban, hawak ni Maxey ang +15 performance, kalakip ng 30 points at limang assists.

Hindi pinaporma ng Sixers ang explosive duo ng Boston na sina Jayson Tatum at Jalen Brown, kasama ang iba pang Celtics players.

Wala sa mga ito ang nakagawa ng 20-point performance habang umabot lamang sa 18 points ang pinakamataas na individual score. Nagawa ito ng 2024 Finals MVP na si Brown.

Maging sa free throw range ay hindi rin pinalad ang mga ito matapos sumablay ang anim mula sa 16 attempts ng koponan. Sa Sixers, nagawa ng koponan na ipasok ang 17 mula sa 19 attempts nito.

Sa kasagsagan ng laban, umabot pa sa 23 points ang pinakamataas na lead ng Sixers na nagpapakita ng pagkontrol nito sa naturang laban.

Dahil sa panalo ng Sixers, tutuloy sa Game 7 ang serye sa pagitan ng dalawang koponan na magaganap na sa Philadelphia. // Bombo Everly Rico